ako to

Tuesday, November 21, 2006

Tumatakbo....

Matagal na rin mula na huli akong nagpost... madame ng nangyari... marami...

naospital ako ng halos apat na araw... sa ust hospital...

patay na si papa...

marami pang nangyari sa mga nakaraang buwan... simula september 11 na huli kong post dito...

DL na ako ulit... masaya ako dahil dun...

eto pala mga grades ko... proud ako...


BIO 202
ORGANISMIC BIOLOGY
1.5


BIO 204
GENETICS AND EVOLUTION
2.0


EDUC 207
TEACHING STRATEGIES
1.75


ENG 104
ORAL COMMUNICATION SKILLS
1.5


GUID 100
PRINCIPLE OF GUIDANCE AND COUNSELING
1.5


HEALTH ED
HEALTH EDUCATION
2.25


NFE
NON-FORMAL EDUCATION
1.0


PD
PROFESSIONAL DEONTOLOGY
2.0


RC
RIZAL COURSE
1.5


aking pasintabi sa pansamantalang pagiging hambog at mayabang.... ipinamamalita ko lamang sa mundo ang bunga ng aking mga paghihirap...

ngapala... mas malinaw na lahat sa amin... nag-usap kami kagabi...

... "sa akin wala namang problema... kay mommy lang... ayaw niya sa iyo..."

bakit???

"your family relations..."

pansamantala akong natigilan ng marinig ko iyon... pero ang totoo...hindi na rin ako nagtaka... kung iisipin, matino nga naman talaga ang kanilang pamilya... magkakasundo... close... ano ba namang laban ng pamilya ko? hindi ko kinukuwestyon ang opinyon ng mommy niya... karapatan niya bilang anak ng babaeng iniibig ko... hindi ko maaalis iyon sa kanya...kailanman...

nagpaliwanag ako sa kanya... sinabi ko ang katotohanan... kung ano ang sitwasyon sa bahay namin..ano ang relasyon ko sa aking pamilya at ang pakikitungo namin sa isa't-isa... marami akong nasabi...

"I like you too..."

Hindi talaga maalis sa utak ko yung sinabi niyang iyon... hanggang sa pagtulog ko kagabi, hindi mawala ang ngiti ko..kahit kaninang umaga... sabi nga ni sheena, para akong tanga.. pero ayos ng maging mukhang ganoon... masaya ako... masayang-masaya ako...

dati hindi ko alam kung paano lulugar, at least ngayon, malinaw na ang lahat...

"gusto ko lang malaman mo na gagawin ko lahat para matanggap lang ako ng mga magulang mo... para mapatunayan ko sa kanila na karapat-dapat ako para sa iyo..."

para sa iyo 'to:
mahal na mahal kita.. walang nagbago..kahit noong mga panahong hindi tayo nag-uusap.. katulad ng sinabi ko, tumigil ang mundo ko ng mga panahong iyon... hindi ko alam ang gagawin ko... ngayong nandito ka na ulit... mamahalin kita sa abot ng aking makakaya...lahat... para na rin matanggap ako ng pamilya mo... sana dumating yung araw na yun... maghihintay ako... salamat sa patuloy na pagbibigay sa aking mga labi ng ngiti at kasiyahang ikaw lang ang nakakapagbigay... iba ang saya ko kapag nandyan ka... totoo yun... mahal kita.. at iba ka sa mga taong nagustuhan at minahal ko... sabi ko nga, di ko ma-explain... pero alam kong iba ka... lubos ang pagpapasalamat ko sa Diyos na ibinigay ka niya sa akin... sana manatili ka sa buhay ko kailanman... mahal kita.... maghihintay ako.... kailanman....