ako to

Thursday, August 17, 2006

knock! knock! {hus der?}

katatapos lang ng aming indispensable na tambay sa eduk pav... deda, ate luwi, emman, ako... nanood kami ng super dry na parade... shhh.... baka may mga kusinero't tagaturo ng seat number sa eroplano na magbabasa nito...kuyugin pa ako...
Doc A is Doc A...
Mahirap ang exams namin kanina...pucha....putah...tangina talaga!!! 100 items...multiple choice... pero shyet!!! walang katulad... LEVELING!!!! Nag-aral ako... alam ko sa sarili ko yun.. pero hindi naman ako nagsisisi kung bakit pa ako natulog ng alas-5:00 ng umaga... May sakit ako kagabi- lagnat, ubo, sakit ng katawan at ulo... lahat na... saya sanang mamatay pero no... may mga babae pa akong paiiyakin... bwahahaha... nagdecide akong magreview sa baba ng dorm at doon ay dumating si arvin [roommate ko na may crush kay DEDA (yikee!!) ].... nagpalibre ako ng kape sa kanya sa mini-stop at doon ay nag-aral kami...tinuruan ko siya sa philippine history, logic at sa digestive system...sabi nga niya...yung tinuro ko daw, mas maigi pa sa ituturo ng prof niya (flattered....).... natapos kami ng alas 4:30 at nag-aral pa ako ng konti pagdating ng dorm...
gising.... ligo...pasok...exams.... SHYET!@!*!&!@!!! yun lang.... mamatay na ang lahat ng scholars na nagpropose ng mga hinayupak na educational philosophies na yan!!!! walanghiya!!!! well... sana naman pasado ako... mahirap ang LET... (BOW...)
patience is a good virtue - ma.louise pante...
madaldal ako...pero hindi sapat ang salita para ilarawan ang damdamin...minsan mas okay yung manahimik ka kesa dumada...mas napapawi yung sugat... mas nakakapag-isip ka....mas sumasagi sa utak mo lahat...hindi ka biased...hindi ka selfish sa nararamdaman mo...hindi ka nag-iinfer..wala kang anumang inaaasahan... eto...tahimik na naman ako...tanging sandata laban sa sakit ang computer na may internet connection, ang monitor, ang keyboard na kulay black at ang tunog ng aircon na nakatutok sa akin (ayus lang, may astig naman akong jacket...sa roommate ko pala 'to...)
break.....
hindi ineexpect ang love... sana kung mababsa mo lang 'to..pero ang tanong, malalaman mo kayang may ganito??? makakausap pa kaya kita ulit? sna.. umaasa pa din ako...
PARA SA IYO 'TO:
Matagal na rin tayong magkakilala. Kilala na kita. (Ang alam ko..) at kilala mo narin ako... alam mo na ang ugali ko...may mga times na nag-aaway tayo...sa mga simpleng bagay.. nakakatawa mang isipin pero ganun talaga tayo eh...masaya ako ng ganun tayo...pero ngayon, hindi ko alam yung gagawin ko...hindi mo ako kinakausap...wala akong magawa...ayaw mo eh...ayokong pilitin pa kita...alam mo mula simula na may gusto ako sa iyo...nilinaw ko yun...hindi ako nagpakaplastik...sinabi ko sa iyo...pero ikaw sa akin, yun ang hindi ko alam... CONFUSED... wala akong magagawa kundi ang umasa na balang araw, masusuklian din kung ano man yung nararamdaman ko... pero kung hindi man.. masaya na sana ako...pero biglang nabago..hindi ko nga alam kung bakit...basta bigla na lang...,masaya tayo last week... hanggang wednesday magkasama pa tayo..pero hindi ko alam kung ano yung nangyari, bakit ka nag-iba..hindi naman kita matanong kasi hindi tayo nakakapag-usap... parang lumalayo ka... sana...please...kung mababasa mo man to...kausapin mo na ako...nahihirapan na ako ng ganito...alam ko kaya kong magtiis pero baka kasi tapos na pala lahat sa iyo..pero ako, eto, nagpapakagago at nag-aantay na rin ng hindi malaman..alam kong transparent kang tao...sana ipakita mo yung ngayon...madali akong kausap...pero sana ipaliwanag mo ng maayos...wala akong magagawa kung anuman yung desisyon mo...hindi kita minamadali, hindi kita pinupwersa..... gugulin mo ang oras mo... mag-aantay ang puso ko... corny noh??? eto na naman ako... nagsisimula na naman... mahal kita...mahirap mabago yun... matagal pa bago maibaling sa kung ano yun.. sariwa pa yun eh... matagal pa maging malansa...at sa palagay ko, habang buhay kong ibababad sa tipak-tipak na yelo ng katangahan para hindi maging malansa...para manatiling buhay... hindi kita inaasahang dumating sa buhay ko...sana manatili ka... ayokong mawala ka...parang mahirap mawala...hindi ko yata kaya...ngayon...eto ako, nagpapakagago sa blog...nagtatype ng kung anu-ano..pagpasensyahan mo na ako...ganito lang ata talaga ako... GAGO.. GUSTO KO SANANG MALAMAN MONG AANTAYIN KITA,...
Hanggang kelan??? yun ang hindi ko alam... isa lang ang sigurado ako... handa akong maghintay kahit habambuhay....