[part ng buk ko}
Mangarap ka at abutin mo ito…
Malimit itanong sa mga bata sa mga contest kung ano ang gusto nilang maging paglaki nila. Iba-iba ang mga sagot ng mga kabataan batay na rin marahil sa kung ano sa tingin nila ang maganda sa kanilang paningin. Madalas nilang isagot ang mga Abogado, Doktor, Piloto, Bumbero, Nars at ang ilan Titser. Sa aking kabataan, naging larawan ako ng isang magulong pag-iisip. Bakit? Dahil hindi ko pa talagang mawari kung ano ang nais kong maging sa aking paglaki. Ngunit sa patuloy kong pagtahak sa matarik na daan ng buhay, isang pangarap ang paulit-ulit kong nasasambit sa tuwing ako’y matatanong sa kung ano ang gusto kong maging- ang maging isang titser. Sa aking palagay, dahil na rin ito sa environment (watta term!) na aking nilakhan (biglang lalim oh…). Lumaki kasi ako sa isang environment na puno ng mga titser. Ang aking ina ay isang titser sa elementarya. Ang aking tiya naman ay titser ng hayskul sa English, chemisty, at math. Ang aking lola sa mother side ay dati ring guro. Halos lahat sa pamilya ng aking ina ay angkan ng mga guro. Lahat ata ng posisyon na puwedeng makamit ay mayroon sa aming angkan. Mula teacher 1 hanggang superintendent. Di ba ayos! Eh san pa ba ako kukuha ng ganung pangarap di ba? Pero hindi nanatiling titser ang sagot ko. May mga pagkakataong nadala ako ng matinding emosyon(shocking ba?!). Minsan, nakita ko ang aming kapitbahay na may magarang kotse. Tinanong ko sa aking tita kung ano ang trabaho niya. Sabi ni tita, accountant daw siya. Maayos daw ang suweldo. Dahil sa magarang kotse at sa sabi ni titan a maayos na suweldo, pumayag akogn palitan ang aking pangarap (cool!). Naging accountant na ang aking sagot sa naunang tanong. Ngunit ng malaman kong sa banko pala nagtratrabaho ang isang accountant, bigla akong nabalot ng takot. Paano ba naman kasi, palagian kong napapanuod sa action movies ang mga holdapan at robbery sa mga banko. Naku! Ayoko naming mamatay sa kamay ng mga holdaper noh! Kaya binago ko na ulit ang pangarap ko. Pero nito lang ay nalaman kon g hindi lang pala sa banko nagtratrabaho ang isang accountant. Pero wala na… hindi ko na maibabalik ang nakalipas. Sayang…. Kung sana ay nag-isip ako. Pero hindi lang iyon ang aking naging pangarap. Akin ding minithing maging isang pari. OO PARI!!! Gulat ka noh? Sa tino ba naman ng mga binabasa mo, aakalain mo bang minsan sa buhay ng balahurang nagsulat ng binabasa mo eh hinangad din niyang maging banal. Bakit??? Kasi ang aking tita ay nagtuturo noon sa isang seminaryo. Di ba ang gandang dahilan??!!! Pero totoo iyon. Nang umalis na sa pagtuturo sa seminaryo ang aking tita, nawala na rin ang pangarap kong maging isang pari. Ganon kasimple. Madali naman akong kausap eh. Hehehe… Mabuti na lang at umalis ang tita ko sa seminaryo kundi isa na ako sa mga nagmimisa sa simbahan at nagbibigay ng komunyon. Ewwww! Nakakapangilabot isipin!!! Mabilis lumipas ang panahon. Akala ko hindi ko matatagpuan ang nais kong maging. Muntik na akong malihis ng landas sa pag-aakalang ang pagiging isang nars ang aking tadhana. Ito kasi ang aking naisulat sa dalawang unibersidad na ninais kong pasukan. Ngunit sa pareho, hindi ako nakapasa. At gumawa ng paraan ang tadahna upang tapikin ako sa kili-kili at sabihing tama ako sa una kong pangarap. Sa ngayon narito ako’t tinutupad ang una kong ninais, ang isang maging guro.
Sabi nila, wala daw pera sa pagtuturo. Pero anong paki ko?!!! Ito ang gusto ko. At kung ating isasabuhay ang napag-aralan natin sa Logic, in every second, four children are born…sa mahigit ilang bilyong populasyon ng mundo, sa kulang-kulang 80 milyong Pilipino…marami akong matuturuan. Sa aking pag-aaral, akin pang natagpuan ang tunay na kahulugan ng tunay na guro. Salamat kay Ginoong Bob Ong sa kanyang aklat na ABNKKBSANPLAAKO…(free flagging pa ah?) at sa aking isipan ay naituro ang ilang mahahalagang aral ng kagaguhan este buhay pala…Isang araw, ako’y napadpad sa iosang binyagan kung saan ay unang beses kong maging ninong…(malas ng inaaanak ko sa akin. Hahaha), natagpuan ko ang sarili ko sa isang tumpok ng mga dating kamag-aral na nag-uusap ukol sa isang bagay na hindi man sa hinagap mauunawan ng isang normal na tao. Pasikat kumbaga. Pagmamalaking ito ang alam ko at eto ako. Walang kaso sa akin iyon. Sanay na naman ako sa mga ganoong tao. Hindi nila iyon kasalanan. Normal na sa kanila iyon. Naunawaan ko naman iyon. Ako’y tahimik lamang at hindi na dumada pa. Hindi ko rin kasi gawaing maghambog ng kung ano man ang aking natutunan. Nabanggit nila ang Babinski reflex. Ako’y medyo napaiktad sa aking upuan. Hinangaan ng ibang naroon ang nalalaman nilang termino. Ngunit sandali! (sabi ko sa sarili). Alam ko rin ang terminong iyon. At napag-aralan rin naming iyon sa isa sa aming mga kursong pang-edukasyon. Sa kanilang pagkaka-define ng termino, hindi ito akma sa aking nalalaman. Ngunit, hindi na ako nag-abalang itama pa ang kanilang nasabi. Sa pagkakataong ito, naisip ko, “Tama ngang ako’y nagdesisyong maging titser…” Kung iisipin kasi, kahit cliché (watta term agen!!!) na kung ituturing, tama nga na WALANG INHINYERO, DOKTOR, NARS AT KUNG ANO PANG DAMBOLSHIT NA COURSE KUNG WALANG TITSER. Oo, titser LANG kami sa mata ng mga taong bulag (bulag sa taas ng sahod ng ibang propesyon, sa tayog ng mga bahay, sa dami ng perang nasa savings account, sa laki ng dyamanteng nasa daliri, at sa yamang naihahayag sa mundo), pero taas noo ko namang isusumbat, TITSER KAMI! Ang bawat butyl ng dunong na iyong nalalaman ay hindi makakamtan kundi dahil sa matiyagang paggabay sa iyo ng titser mo kahit ikaw ay uhugin, iyakin, tumatae sa short, umiihi sa upuan, bungal, mabaho ang hininga, amoy putok at tulo-laway. Buong puso at walang pag-aalinlangan kang ginagabayan ng isang TITSER upang matuto ka hindi lamang ng nakasulat sa aklat kundi higit ay matuto ka ng aral ng buhay na hindi kailanman mawawaglit sa isipan lumipas man ang maraming taon.
Marami sa atin ang nag-aakalang ang pag-aaral ay ukol lamang sa pagmememorya, pagiging magaling sa klase, pagiging mahusay, pagkakaroon ng line of 9 sa card o uno sa class card. Marahil bawat mag-aaral ay dumaan na din sa panahong nawalan sila ng pag-asa dahil hindi nila magawang i-please ang kanilang mga magulang sa grades nila sa eskwelahan.

1 Comments:
all i can say is....your giving me thoughts of regretting that i did not go to UP after all.hahaha napaisip ako...pareho kayo ni ma'am praxie...well because of what you have said im on this search again...finding meaning...oh well might as well post something on my blog abt the stuffs im talking about...one thing i cant say anything bad right now especially about some teachers for a fact that all of my teachers in my major classes are great...well good in teaching but no one convinced me at all in why am i still here in history...oh well wait for my post...SIRA KA TLAGA!!!
By
louie, at 1:38 AM
Post a Comment
<< Home