ako to

Tuesday, February 07, 2006

crossroads...

"If u kip on doing wat uv olweys done, ul always get wat u always got. If ud do things ud never done, then ul get what u want."

hindi ito yung eksaktong text na natanggap ko pero ganito yung thought niya. kung iisipin, isa lamang itong simpleng text ng panghihikayat o encouragement. isang quote na nagpapalakas ng loob sa isang abang bigo o di kaya'y susuko na sa hirap na dinaranas. maaari rin itong maging challenge sa isang taong wala ng ginawang tama sa buhay niya.

basted ka. natanggap mo ang mensaheng ito galing sa babaeng nambasted sa iyo. ano ang iisipin mo?
baka naman send to all yung pagkakasend niya...
-ewan, pero bakit ganun yung quote?
baka naman ordinaryong quote lang iyon...
-ordinaryo?hindi naman ganun ang mga quote niya ah?
baka naman APEKTADO KA LANG NG QUOTE!
-EKSAKTO!

apektado lang ako kaya ako ganito. bakit naman kasi naipadala pa iyon sa akin. iyan tuloy, masyado na naman akong nag-iisip.

"panu kung hindi tayo naging magkabarkada, may pag-asa ba?"
-"iyon ang hindi ko alam, kabarkada na kita eh..."
"puwede mo ba akong bigyan ng chance para iprove yung sarili ko?"
-"ha?sori pero... friends lang talaga yung mai-oofer ko sa iyo."
"ah owkei."
-"sorry."
"ok lang yun no? ako naman kasi tong tanga. wala yun."
-"makakahanap ka rin ng babaeng para sa iyo."
"tanx."
-"sorry..."

matapos ang usapang iyo, ano ang maiisip mo? di ba basted ka na? di ba wala ka ng pag-asa sa babae? pero matapos mong makatanggap ng ganung text mula sa kanya, ano ang maiisip mo? na nagpapakipot lang siya para suyuin mo siya, mag-exert ka ng effort. ano?

mahirap umasa. mahirap mabigo. sugatan na ako ngayon. sariwa pa ang sugat ng mga nangyari. may bakas pa ng dugo sa puso kong bigo sa pag-ibig. uminom na nga ako para maging manhid ang katawan pero wala pa ring nangyari.

ikaw ang una kong babaeng iniyakan ng ganito. uminom ako dahil sa sakit. hindi ko pa nagagawa iyon sa tanang buhay ko. sa iyo lang. ganun kita kamahal. pero anong magagawa ko? ayaw mo sa akin. hindi ko maaaring ipilit ang bagay na ayaw. tulad ng susi sa isang pintuan. tulad ng isang SRP sa kanyang receptor sa endomembrane ng rough endoplasmic reticulum. may specific na receptor na mag-fifit sa bawat SRP.

hang over kay Baysa. hay... bagsak ako sa BIO. oo. 75.4 ang grade ko kay Baysa. equivalent yun sa 45.14 ata o 45.24 over 60. kay Dogma naman, 24 over 40. kung iisipin mo, pasado pareho. pero... 75 ang passing, at ilan ako? 69 point something. hindi man lamang umabot ng 70. masaklap di ba? ano ang highest namin? 77. si jai. highest na yun ah?

problema...

dagdagan mo pa ng pagkagipit ng allowance mo.

di ba ang saya?

tambakan mo pa ng problema mo sa minamahal mo.

ano ng sunod?

wala...

buntunghininga...

katahimikan...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home