Paghihintay ng kay tagal...
Nasimulan ang araw sa isang mahinang pag-ambon na nasundan ng rumaragasang ulan. Tila nakikisama ang panahon sa aking nararamdaman.
Madalas kong banggitin sa iyo noon ang pagtingin ko sa isa kong malapit na kaibigan. Idinulog ko sa iyo ang bawat katanungang bumalot sa akin kung ako'y makikipagsapalara't susugal.
Ngayon, eto na... Dumating na ang pagkakataong aking inaasam at kinatatakutan. Tulad nga ng sabi niya noon, "Kung talagang mahal mo siya, sabihin mo sa kanya para naman malaman niyang may nagmamahal sa kanya..." Simpleng sabihin madaling ipayo ngunit anong hirap kapag eto ang nangyari sa iyo.
Alam kong hindi ka nagbabasa ng blog. Hindi ka rin mahilig sa internet. Pero sana, kung dumating man ang araw na mabasa mo ito, malaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin. Sa totoo lang, binabalak ko ng sabihin mismo sa iyo ngayong linggong ito ang aking damdamin. Ngunit, naunahan ako ng ating mga kaibigan- ng ating mga kabarkada. Wala akong balak itago o ilihim sa iyo. Iyon nga lang, tulad ng nauna kong sinabi, naunahan ako.
Sa hapong ito, hindi ko alam kung makakapag-usap tayo ng matino. Kanina, hindi mo man lamang ako sinulyapan sa iyong pagdaan sa aking harapan. Malungkot ang iyong dibuho, may halong galit (sa aking sapintaha). Sa ngayon, pilit kong tinatakpan ang kalungkutang bakas sa aking mukha. Walang direksyon ang bawat gawaing simulan. Bakit ganito?
Jas, alam mong mahal kita. Sabi nga ng iba, alam mo na daw na ikaw ang tinutukoy ko, hindi mo lang pinapahalata. Ngunit anong laban ko sa mga salitang wala man lamang akong kasiguraduhan. Katulad ng sinabi mo kahapon, mas pipillin mo ang pagkakaibigan dahil ito'y tumatagal. Ayaw mong masira ang nasimulan na. Naiintindihan kita. Kung ito man ay patama mo sa akin, maluwag kong tinatanggap ang iyong desisyon. Huwag mo lang akong balewalain. Nahihirapan ako sa tuwing alam kong hindi tayo nag-uusap. Makirot sa puso ko tuwing matatanaw kita mula sa malayo na tulala at may iniisip. Doble ang pagkabalisa ko kapag nakikita kitang walang saya sa mukha. Sabi niyo nga noon, "walang talu-talo kapag barkada..." Pero eto ako, isang tanga. Hindi ko naman masisi ang puso kong sadya na lamang nahulog sa iyo. Masisisi ko ba ang isipang ikaw lamang ang nilalaman? Akin bang mapipigilan ang bugso ng damdamin tuwing ika'y nariyan? Kung puwede lang... kung maaari lamang...
Pagkabalisa ang nangingibabaw sa aking buong pagkatao sa ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang ganito. Wala sa hinagap ko kung kailan ito magwawakas. Malalim ang sugat. Nagnanaknak ang kirot. Namumuo na ang dugo. Pagod na ang pusong umiibig. Ngunit hindi ito sumusuko. Lumalaban ito sa hamon ng pagiging sawi. Nakikipagpatayan ito sa sumpa ng katorpehan ng isang Louie. Pilit binibigyang pag-asa ang sariling lugmok sa kalungkutan.
Higit sa kahit ano, nais kong malaman mo Jas na mahal kita. Hindi mapapagod ang puso kong ibigin ka. Hindi ko alam kung kailan magwawakas o kung matatapos pa ba ang sawing pag-ibig na ito. Ngunit isang bagay lamang ang alam ko; mahal kita at hindi ko kayang mawala ka.
May mga bagay na sadyang nangyayari. Tulad ng muli kong pagbalik sa aking dormitoryo matapos ang halos dalawang linggong panunuluyan sa apartment kasama sila Ephraim at Oliver. May mga nagbabago. Mabilis ang ikot ng mundo. Sa bawat paggalaw nito sa kanyang kinalalagakan, maraming buhay ang sa isang saglit ay nababago. Isa ang akin sa mga yaon. Bagong simulaing hinahangad sana'y dumating na... Pag-ibig na dulot ay kalungkuta'y mapalitan nawa ng saya at tuwa...
Panalangin sa Diyos...
Pagsamo...
Pakikiusap...
Buntunghininga...
Katahimikan....

1 Comments:
This comment has been removed by the author.
By
Anonymous, at 1:11 AM
Post a Comment
<< Home