ako to

Thursday, November 10, 2005

thrusday na...

hay naku....isang araw na lang at tapos na naman ang isang linggo sa aking ikaapat na semestre sa unibersidad...marami na ring nangyari sa tatlong araw na hindi ko pagbibigay ng mga kataga rito...
noong martes, kami ay nagtungo sa Navotas upang aming bisitahin at kamustahin si Ela, ang aming pinakamamahal na kamag-aral na nabigyang pagkakataon, sa murang gulang, na magdala ng buhay sa kanyang sinapupunan...1 kami ng hapon nagtungo roon..at pagdating namin sa bahay nila, naliligo pa raw ito...well...sanay na kami sa kakupadan niya...nag-antay kami at maya-maya'y amin na siyang nasilayan...medyo malaki na ang tiyan niya..7 months na kasi ang kanyang ipinagbubuntis..pero maganda pa rin siya at halos walang ipinagbago bukod nga sa kanyang tiyan...nagkuwentuhan kami at nakamustahan...mabuti naman ang naging takbo ng usapan...ng bandang alas-4 na ay nagpaalam na kami dahil si Jasmine ay baka gabihin sa pag-uwi..hindi naman puwedeng iwan ko siya at pabayaang mag-isang umuwi...sinamahan ko siya...pagkatapos nito'y nanood kami ng pageant ng PAFT kung saan tawang-tawa kami kay Bhenjo, ang crush ni Sheena...
kahapon at nagpunta naman ako sa aking Tito..pagkatapos kong pumunta sa layb at hindi na tuluyang mananghalian...naramdaman ko ang matinding gutom...marami kaming takda na kailangang tapusin...
ngayon, okay naman ang lahat...sa educ 204 na lamang ako walang takda...ngunit, pipilitin kong makagawa na rin...
sa lahat, salamat sa Diyos...
yaon lamang, sa muli!