hay...
Mahirap unawain ang tadhana. Maraming mga bagay na hindi talaga maipapaliwanag ng tahasan. May mga bagay na sadyang nangyayari na hindi man lamang naipapaliwanag sa iyo.
Ako? Hangad ko lang sa buhay ang makahanap ng taong makapagbibigay sa akin ng sapat na atensyon at kalinga. Simple di ba? Walang anumang kaartehan. Walang ibang kasama. Yun lang. Pero bakit ang hirap makamit? Bakit tila bawat tapak ko, lumulubog lagi ako?
Ako? May pamilyang hindi maipagyayabang sa mga kaklase. May Tita at Tito na nasa Hawaii na sadyang sinusuportahan ang mga nais ko. May amang walang trabaho. May inang baon sa utang. Mga kapatid na hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil nag-asawa na at nagkaanak. Mga bunsong kapatid na walang ibang alam atupagin kundi mag-MU at mag-Ragna.
Ako? Nag-aaral ako sa UST. Science major. May mahihirap na subjects at pamatay na mga titser. Mga subjects na hindi na napagod sa pagbibigay ng mahihirap na mga exams.
Ako? May mga kaibigan ako... sila krisha, jas, melai, grace, ran, emman, chiqui, glads, ela, cessa... sila cha, ephraim, olibogs... ang mga 1e1 dati... Sa kanila, ako- buraot... Nagbibigay saya sa kanila dahil lagi nila akong inaasar. Ano pa? Hindi ko na alam.
Ako sa ngayon ay lumulutang sa ulap ng kawalan. Hindi ko mawari kung ano ang tamang gawin. Tila bawat bagay na aking ginagawa, walang nakakapansin. Bawat karangalan, walang nakakapuna. Buti pa sila, buti pa siya. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa ibang taong nakikita kong masaya kahit ganun ang kalagayan nila. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa mga taong napupuri, napupuna, bida, magaling at laging pinag-uusapan. Ang sarili ko? Hindi ko na kilala. Nawawala ang tiwalang dati'y nag-uumapaw. Nabasag na ang dating busilak na kristal ng pagiging kampante at sigurado. Anong nagdulot nito?
Hindi ko alam. Wala akong sinisisi rito kundi ang aking sarili. Masyado akong nagpapagod. Masyado akong stressed dahil sa dami ng ginagawa. Pero di ba mawawala lahat ng ito kapag may isang taong nakapag-aalis ng mga ito?
Hangad ko lang ang makahanap ng isang taong uunawa sa akin. Pero wala akong makita. Yung dati? Wala na... Tuluyan ng humiwalay sa akin. Yung sumunod? Hindi pala siya ang sa akin. Yung ngayon?....
Ayoko ng sinungaling.. Oo ako'y sinungaling din sa mga pagkakataon pero hindi sagad na sinungaling. Simple lamang ang buhay. Maraming kinakaharap pero hindi ko makuhang magsinungaling sa kapwa ko. Tapat ako. Sigurado ako. Nakikita mo sa akin ang nararamdaman ko.
Bukas may pagsusulit pa akong kakaharapin. Pero hindi ko alam kung paano magrereview...
BADTRIP AKO...
Hindi ako tanga para magpakamatay... Matino pa ang isip ko...
Walang patunguhan lahat ng salita rito. Ang tanging malinaw, gusto kong ilabas ang hinanakit at hinagpis na pilit nagpupumiglas na lumabas sa puso ko. Ang pait, luha at kirot na unti-unting naiipon. Ang mga luhang hindi tumulo. Ang dugong hindi dumaloy. Ang mga salitang hindi mahagilap upang ipahiwatig ang taglay na sakit.
Mahirap ang buhay... Maraming pagsubok... Hindi ko alam kung kelan ako makakabangon. Hindi ko alam kung makakabangon pa ako... Marami pang pagkakataon. Pero maiksi ang oras. Hindi ko alam kung anom ang gagawin. Kailangan ko ng tulong... Yakapin Mo ako... Kailangan ko ang pag-aaruga Mo... Tulungan Mo ako... Kailangan Kita ngayon...