masakit umibig...
Love hurts ika nga ng kanta.. Ngunit ang sakit na dulot ng pag-ibig ay higit pa sa isang hiwa ng kutsilyo sa palad o di kaya'y isang daplis ng blade sa hintuturo. Ito ay katumbas ng pagkabaon ng isang nangangalawang na pako sa iyong sakong. O di kaya nama'y isang nagnanaknak na sugat na biglang nabanlian ng kumukulong tubig. Marahil ay higit pa ang saklit na mararamdaman mo kapag sinabi sa harapan mo kung gaano niya kamahal ang isang tao.
Hindi ko akalaing ako'y masasaktan ng ganito. Eto na naman ang kinatatakutan ko- ang masaktan at mabigo sa pag-ibig. Minsan nga naisip ko, "May kuwenta ba ako? Bakit lahat ng gusto ko, ayaw sa akin? Ganun ba ako kalala? Wala na ba akong mabuting magagawa?"
Masakit ang umibig ng isang taong walang gusto sa iyo. Mas masakit ang umibig ng isang kaibigang hindi man lamang nalalamang ika'y may gusto sa kanya. Paano naman kasi, pupuwede niyang sabihin sa harapan mong, "Alam mo ba? Mahal ko pa rin siya. At alam mo ba? Nakita ko siya nung linggo! Ang saya-saya ko nga eh!" Isang matinding bugso ng damdaming lalong ipinagdiinan ng isang ngiti at mga katagang "Ang saya-saya ko nga eh!" Waring mababasag ang puso ko habang naririnig ang mga katagang yaon. Pero anong magagawa ko? Hindi naman niya alam eh. At siguro, hindi na niya malalaman... Ano namang mapapala ko? Wala! Alam kong wala na akong mapapala pa kapag ipinaalam ko pa sa kanyang siya'y itinatangi ko. Wala na akong pag-asang masilayan man lamang ang isang magandang ngiti sa kanya habang sinasabi niyang "Mahalaga ka sa akin." O di kaya'y "Hindi ko kayang mawala ka, mahal kita." Isang pangarap na unti-unting naibabaon sa paglipas ng panahon. Si Mystery Girl? Mystery na lang siguro kung sino siya. Wala kasing lakas ng loob si Louie na sabihin sa kanyang siya pala iyon. Torpe kasi si Louie at ayaw ipaalam na ang Mystery Girl na kanyang ibinansag ay sa sarili niya ipinatuon.
Alam kong hindi ka nagbabasa ng blog. At lalong hindi mo alam ang blog ko. Pero sana, kung darating ang pagkakataon na madapuan ng iyong ulirat ang aking lagakan ng damdamin, sana maunawaan mo. Gustong-gusto kita. Lahat ginagawa ko para lamang mapasaya ka. Alam kong sa palagay mo, kaibigan lamang ako. Ngunit ikaw, itinatangi kita ng labis. Ganito ako katorpe. Hindi ko man lamang masabi ng harapan. Takot na kasi akong mabigo. Sukat ba namang sabihin mo sa aking mahal mo pa ang pesteng lalaking iyon na kailanman ay hindi naging iyo. Sukat ba naman kasing ipamukha mo sa aking mahal mo pa siya kahit pinaluha ka na niya. Nagseselos ako sa tuwing ginagawa mo iyon. Masakit ang kurot sa aking puso tuwing mababanggit mo ang pangalang ni sa panaginip ay hindi ko mabanggit. Ang isang lalaking hindi ka kayang alagaan at walang ibang alam gawin kundi ang paluhain ka. Mahal na mahal kita. Hindi ba halata? May pagkakataong pagod na pagod na ako ngunit ika'y humiling na kita'y samahang gumawa ng iyong takda, wala kang narinig mula sa akin. Ako'y tahimik na sumunod. Wala akong reklamo. Ganoon kita kamahal. Kahit masakit ang aking katawan, pinilit kong mag-ipon ng lakas upang kita'y masamahan. Ayaw kasi kitang napapagod. Mahal kasi kita. Kapag ika'y may hiling, hindi ako umaayaw, kasi mahal nga kita. At ayaw kitang makitang malungkot o nahihirapan. Ngunit... Hanggang ganoon na lamang siguro ang magagawa ko para sa iyo. Dahil kahit kailan, hinding-hindi ka magiging akin. Kung puwede lang matulog ako habambuhay upang sa ganoon, kahit hindi totoo'y mapasaakin ka man lang. Maraming hadlang ngunit kaya kong suungin. Ang tanong, "May mapapala ba ako?" Alam ko na marahil ang kasagutan mo. Hindi mo na kailangang ipagduldulan sa aking KAIBIGAN mo lang ako. Hindi na ako umaasang mahihigit pa roon ang tingin mo sa akin.
Masakit talagang umibig. Kahit anong gawin ko, tila lagi akong bigo. Buhay nga naman... Hindi malaman ang patutunguhan...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home