ako to

Wednesday, October 12, 2005

it's bin along wayl...

Hay...matatapos na ang first sem..mula ng last na magblog ako madame ng nangyari...
wala na kami ni rose...halos one month na..bakit?madameng reasons..kasi wala siyang time for me...yung tipong wala na talaga...just not contented with a long distance relationship na ang tanging nagkokonekta ay cellphone..pangalawa, hindi na naalis sa akin yung doubt kung ako nga lang talaga sa buhay niya..remember yung first break up namen, third party ang dahilan...noong september 10 kami nagbreak... kasi nung 8, nag-cool off muna kami..noong sabado na, nagdecide na akong tapusin na ang lahat. nasa araneta kami nun kasi galing kami kila Glads kasi b-day party niya eh nirequire kami ng prof namen sa PE na manood ng game, nanood kami..ayon..pero recently lang, tumawag siya sa akin at kinukumusta ako...at eto pa...wala pa daw siyang boyfriend ngayon at ayaw daw muna niyang magkaroon...hmmm...
next, tapos na rin ang buwisit kong PE...leche talagang prof yun..napakawalang kuwenta! biruin mo hindi man lang naglecture about the rules and hand signals nagpa-finals na kaagad...kakainis!!! well, thank God at tapos na ako sa kanya...
hmmm..ano pa? nagfield trip kami sa Subic...masaya kasi kami-kami lang...ang dami nga naming food courtesy of Shin..haahaha..daming memorable moments dun..lalo na yung sa Zoobic Safari..yung pinakain namin yung mga tiger ng chicken..parang mga baliw yung mga kasama ko...sigaw ng sigaw...
hmmm..ano pa?...may nangyaring hindi ko inexpect..habang nanonood ako ng Cheerdance sa TV kung saan nagchampion ang Gawi (GO GAWI!!!!!!), nagsabi si Melai na may gusto daw siya sa akin...ako naman...nabigla...i've got very shocked na malaman na may nagkakagusto pa pala sa tulad kong Gago na, ulol pa... anyways...yun nga..then inask ko siya kung puwede ko siyang ligawan..sabi niya oo daw...sinabi ko sa kanyang gagawa ako ng move kung hihiwalayan niya ang boyfriend niya pero hindi niya ginawa...worse came...dumating na sa point na hindi na kami nagpapansinan sa room...tapos sobrang sad niya pa... pero buti na lang..naayos ang lahat-lahat...ngayon, okay na kami uli..nagkakalokohan na uli..tulad ng dati....
madame pa...kawawa naman magababasa nito...hmmm...yung kay Tina...feeling ko nawawala na..although ngayon sobra na ang asar sa akin sa room at kahit ng mga dati kong klasmate, hindi na ako tinatablan...bakit? kasi may bago na...yup..si jo-ann marie andrade na bestfriend pala ng crush ko sa street namin na si Patty...funny di ba? sa BES siya nag-aaral...3rd year high school pa lang siya pero same age kami...hay...mabaet siya...panu ko siya nakilala? well ganito yun...yung kapatid ko kasing si Neil, may nililigawanm si Mary-Ann..eh nakitext sa akin tapos si Mary-Ann naman ngayon, nagtetext na sa akin...then ibinigay niya yung number ko kay Jo-ann..kaya ayun..were textmates na..pero later on narealize ko palang I am starting to like her and feel for her...kaya tinanong ko kung puwede ko ba siyang ligawan..eh pumayag..kaya ngayon...nililigawan ko pa siya...hay...hope na maging mabaet si God at i-allow niyang maging kami...mahal ko yung tao..mabaet...sobrang understanding at saka concerned siya sa akin...inadd na niya ako sa friendster...hay..cute ko raw sa pic? di ba weird? hahahaa...
umatend ako ng debut ni deda last last saturday...tapos yun...alam mo ba? dumeretso kami kila ate louie...dun nag-inuman kami..oo uminom na ako...lambanog na may flavor yun eh..bubble gum ata..mapait siya..pero konti lang ininom ko...pero at least I have come to finally taste that...:-)
last friday naman, umatend ako ng debut ni abby sa makati park...hmmm...okay yung place...tapos, nandun pa si Susan Roces, Sheryl Cruz at Lavinna ata name nung bold star na sobrang..sobrang lake ng boobs..oo sobra talaga..kakalula... :-)...anyways, after nun kila ate louie ule kami nag-overnight...tapos early in the morning, umuwi ako ng Bulacan...
hay...matatapos na ang 1st sem...madameng nangyari..sobrang dame...di ko na maalala lahat..pero sure akong na-enjoy ko naman ang nakakapagod at sobrang stressful na sem na to..sabi nga ni Maam Jo graduating na daw ako pero di pa naman...dami ko daw kasing ginagawa saka para akong laging pagod...hay..nid to have some rest and recharge for the second sem...madame pa akong aaralin sa 201 saka Logic for tomorrow...tapos PSY pa saka theo...pero konti na lang..saka tomorrow pala mag-papagroup pic na kami..yipee!!! sige na..medyo masakit na yung kamay ko...uli...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home