hay..last day na bukas
hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon...katatapos lang naming magpagroup pic..muli kong naramdaman ang pagmamahal ng mga kaibigan kong aking itinatangi..halos tatlong linggo din kaming hindi magkikita-kita..at sa tatlong linggong yun..maraming mangyayari...apat bale yung studio pix namin...yung una, formal..para naman daw may matino kaming picture...yung pangalawa, yung nakahawak kami lahat ng heart-shaped na lollipop na bigay ni krisha... next yung parang teleserye...kung saan may hawak kaming flowers ni ran at magkalove team sila ni chiqui at kami ni jas...hay..tapos kontrabida sila emman at si grace...magaganda yung mga shots...pero pinakagusto ko yung nakahawak sila ng stuffed toys at para kaming mga bata..kasi cute ko dun..hehehe...anyways.. this has been a day of realization...na oo nga..siguro i am just not looking at the positivem sides of my life... may barkada akong makulet...kailangan ko lang sihurong dagdagan yung time kong kasama sila..kasi namimiss ko na sila...buti kanina after ng group pic pumunta kami ng lover's lane at doon kumaen at nagkuwentuhan at nagtangungan..madame ding natanung..lahat nga ata eh..tapos syempre...nakasama namen si cessa na madalang na nameng makasama...hay..i miss my old days back when we were still in first year...
yung mga test ko today? okay naman...yung educ 201 naghula lang talaga ako...malay ko ba kasi sa mga essentialism at existentialism na yan...hehehe..yung logic namen..LOGGGIIIICCCC... hay mahirap yung test pero nakakatuwa...nagamit ko lahat ng brain cells ko...at 11:15 na ako nakapagpasa ng paper..dahil ang tagal kong sumagot...pero over-all? okay naman...
bukas...theo saka psych ang test ko...parehong madaling reviewhin kasi kailangan mo lang magmemorize...at mamaya ko pa yun gagawin...
ang buhay..madameng nakalaan para sa iyo..narealize ko kahapon na sobra na pala akong stressed out sa mga demands ng major ko... masyado akong pagod at walang pahinga..siguro nga kailangan kong ibalik yung mga times na natutulog ako pagdating ko sa dorm before akong mag-aral...hay...mamaya siguro gagawin ko yun..pero hopefully magising na ako kasi kagabi, hindi...hay..
ang buhay hindi lang isang laro na kapag umayaw ka na okay na...ang buhay isang digmaang hindi mo alam kung kailan matatapos at magwawakas..oo simple lang ang pangarap ko...ang makahanap ng magmamahal sa akin...ang makatagpo ng isang taong uunawa at kakalinga sa akin..pero tanga ako dahil hindi ko nakitang may mga tao palang pinahahalagahan ang Gagong tulad ko... hay...ako naman talaga itong bulag (sabi ni grace) at tanga (sabi ni deda) na hindi makaramdam...
as i continue to search for what my heart beats for, i have come to realize the value of every second i spend...yes i am bombarded by such things and aspects that make my life complex and challenging but i have come to realize that i should stop...think...and rest...masyado akong worried at stressed... there are times na ayaw na ng katawan ko pero pinipilit ko pa ring gumawa..which is wrong...ayoko ng ganun...
tao akong may sariling paninindigan at katauhang sa akin lamang matatagpuan...hindi ko kailangan ng mga papuri at mga karangalan upang mapatunayan ang aking halaga..pera? nuh...hindi yun ang solusyon sa Chem problems ko... achievements? hindi yung ang solusyon sa bawat problemang makakaharap ko...
ang DIYOS... matagal na Siyang nandyan sa tabi ko...hindi ko lang napapansin...oo alam kong nandyan lang Siya at nakamasid...ngayon napalalim ang paniniwala ko sa aking kasabihang "lahat ng bagay ay may dahilan"... ako'y tao rin at mahina...ngunit ito ang nagpapatibay sa aking loob- ang malaman na Mayroong hindi mang-iiwan...Mayroong hindi mawawal...Mayroong nagmamahal... Yun ang Diyos!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home