ako to

Wednesday, October 12, 2005

bawat araw na nandiyan ka
hindi ko mapigilang mapangiti
ang tindi mo!
isang ngiti mo lang...
tagos hanggang buto ko...
hay...
sabi nila mahirap daw mangyari
pero, paki ko!
sila ba ikaw?
sila ba ako?
sila ba tayo?
anong alam nila?
wala!
kahit gaano katagal
mag-aantay ako..
hanggang tanggapin mo
itong pagsamo ko...
ako'y payak..
ako'y hamak...
pero mahal kita...
mamahalin kita...
aalagaan...
iingatan...
hindi sasaktan...
ito man marahil ay narinig mo na..
pero ito'y galing sa king puso..
corny na nito no?
pero may corny ba
sa taong lubos na nagmamahal?
bawat araw na nandiyan ka..
mas lalo kitang minamahal..
ika nga..
ikaw ang hanging
aking nilalanghap
ikaw ang tubig
na aking nilalasap
ikaw ang kaluluwa
na nagbibigay direksyon
ikaw ang dugong
sa aki'y dumadaloy
ikaw lamang
ang itinitibok ng puso
ikaw ang laman
ng aking isipan
alam kong hindi pa panahon
handa akong maghintay
hanggang maging puti ang uwak
at umitim ang tagak
hanggang end of the world
hanggang maging lupa na ako
at kinakain ng mga uod
kung yan ang nais mo
susunod ako
mahal kita eh...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home